Friday, January 29, 2010

Today’s several first’s

Let me first define TODAY.

For me it starts when I wake up late in the afternoon (around 5:30-7pm) and ends around lunchtime the next day. Whew, talk about being a call center agent on a GY shift.

Anyways, heto’t iyong tunghayan ang aking mga ‘PERSTAYM’ sa araw na ito.

  1. Natuklasan ko na may daan pala sa gilid ng Mercury Drug sa may Crispa (not sure kung Crispa yung street, basta yun naririnig ko sa jeepney drivers) papunta sa Tropical Hut.

Lunch break kasi namin ni Vic, at dahil ‘queueing’ sa McDo sa building namin, dun na lang daw kami kumain at nang maiba naman na din.

Yung street papunta sa Goodah, ayon, dun banda, papunta ng I-Hooked, dun! Maliit lang naman, eskinita kumbaga. At in fairness, sa lahat ng eskinitang nadaanan ko ‘yun ang pinakamabango. Haha! Diba kadalasan mapanghi or madumi? Yon hindi! Makati-ng Makati ang eksena. Hehehe. Amoy restroom freshener pa nga eh.

“Ano naman?”

Wala lang, perstaym nga. At si Vic pa kasama ko, eh knowing na halos gamay na gamay ko na yung parteng yun ng Makati kasi madalas ako sa Mercury Drug, Jolly Jeep, Sukina, I-Hooked, Mini Stop, Pares Point, etc. Lalo na sa Tropical! Ilang beses na namin naging meeting place yun, or kapag sawa na kami ni Intek sa Jabi, KFC at Mcdo dun kami. Tapos ayun, sa isang iglap bigla na lang parang diniin sa mukha ko na meron pala nun. Hehe.

  1. It also made way for me to try and drink ‘kapeng barako.’ Nag-order kasi kami ng breakfast meal. 



    Naloka ako kasi may kape na may pineapple juice pa. Hehe. So ayun, natikman ko na nga yung ganung kape at ang masasabi ko neh napaka-natural ng lasa, I mean parang herbal coffee. Hmm, can’t explain exactly as it is… pero alam mo yung feeling na nilalanghap mo ang simoy ng hangin sa probinsya? Ganon! Napaka ‘linis’ at ‘natural’ nga.




    1. First Sup Call ko kay Sir Aaron.

    8 months na ako sa PS tapos first time ko pa lang magpa-SupCall sa kaniya. Ayun. Okay lang. It went well… I think? Haha.

    1. Unang beses ko nakita si Larc mula nung mag-resign siya.

    Di ko na nga siya naabutan pagkapasok ng taon, nung kababalik ko lang galing sa aking 2-week POXshet vacation. Ayun. Slight kamustahan at kulitan saglit, nung naisipan nila ni Ron na pumasok muna sa lobby eh umuwi na ‘ko. 9am pa daw ang interview niya sa Chase, so papatay muna sila ng oras. Kamustahang magtropa din yon so hinayaan ko na sila sa moment nila. Ayaw ko na din kasi ma-traffic. Next time na lang siguro ang chikahan. =)

    1. Iba siya maglakad sa floor. At sa labas, unang beses ko siyang nakita na naglakad na parang normal.

    Hehehe. Sino? Si *bleep* Nuf said. lol

    1. Kelan lang ako natuto uminom, yun ay nung 2nd night out ng Batch 81. 2nd payday namin yun sa pagkakatanda ko. Here's the photos. Pero today, first time ako inaya na as in feeling ko eh parang kakain lang sa labas ang dating. Bigla ko naisip, mature na nga ata ako, at nasa bokabularyo ko na ang mga katagang “Inom tayo.”

    May ganon? Hahaha. Naloka kasi ako kay Ron. End shift na, pareho kaming 9pm-6am. Eh ako tong si hindi umaalis agad ng office. OT kuno. Lumapit siya (may SupCall na last call pa ko nun) nang-aasar. Mga ilang minuto pa bumalik siya (nagta-type ako ng Sup evaluation na pakulo ng PS) nag-aaya uminom. Nyay!

    Dati kasi kapag nag-aaya ang Batch81, pangkalahatan. Eh itong kay Ron, one-on-one ata. Out of the blue pa! Kala ko tuloy may problema siya, wala naman daw.

    Pero ayoko, wala naman kami kasama. Si Jepot (Geoff) 9am pa ang end shift. Wala kami ka-jamming kung um-oo ako kay pritRONg galunggong. Hihihi.


    1. Sa dinami-dami ng pagbabago within the past few months sa NSI, mula sa mga maya’t mayang outage, pagbabago sa NSP, pagkakaroon ng Skills pods, paiba-ibang policies at targets ng NSI, etc… ngayon ko lang naging option ang ‘mag-resign’

    Lagi ko sinasabi, enjoy pa ko. Okay lang yung trabaho, challenging nga naman kasi technical yung account. Tapos main pod pa ko, halo-halo ang concern, kaya keri lang yung mag-stay.

    Pero kanina, nung malaman ko na 3am-12pm na ko, I can’t help but to think about resigning na lang. Ambabaw, oo. Pero, personal choice lang. Di talaga siguro ako tatagal sa ganiyang sched. Ampanget, as in. Para na rin ako ginawang morning person- kahit na alam nating lahat na nocturnal ako.

    Pero wala na, naglaho naman nang parang bula sa isip ko yang resign-resign na yan. Challenge na kung challenge, maganda din to, dagdag experience. Siguro nga okay na din to para naman maiba ulit, kasi nga madali ako magsawa.

    1.  Personal firsts.

    Haha. I just felt like someone tried hard to avoid hurting me more, and made amends by his own small little ways.

    It feels good. Really. =)

    1 comment:

    Anonymous said...

    ,,hmmm... very personal ang mga entry mo... :) read mu din ung saken.. :D