Wednesday, March 31, 2010

MARCHing through a make-believe world.


Ayon, di na naman ako pumasok. Bakit? Anong oras na ko nagising. Sa pagkakatanda ko nagising naman ako ng midnight, at napabulong ako na "Haaaynako, pasok na naman," at mamalay-malayan ko nalang, alas-otso na ng umaga sa muli kong pagdilat.

Wala akong balak na di pumasok, hindi ko alam na nakatulog ako ulit pagkabulong ko ng mga katagang 'yon. Alas-syete ako ng gabi natulog, at natulog din ako nung hapon na yon kaya di ko akalaing hahatakin ako ng kama pabalik ng walang kalaban-laban.

Sabi nga ng ka-batch ko sa opisina namin na nag-resign na, baka dahil kasi inaayawan na ng puso ko yung trabaho, kaya pati katawan, kusang lumalayo na din. (T*ngina, wala naman siya sinabing ganon, bakit pinalalim ko?) Ang sabi niya lang talaga eh dahil daw magtatapos na ang buwan, ganun daw talaga pag pa-resign na.

Although wala pa naman akong fixed plan na mag-resign, napasang-ayon ako. 

Malamang nga, kita mo ngayon, pati 'tong post ko Tagalog, alarming diba? Kung 'di mo alam ang kuneksiyon malamang 'di mo ako ganun ka kilala. Try reading some of my previous blogs, baka magka-ideya ka.

(Nakailang buntonghininga na nga ba ako habang nagta-type? In between texting Magic10 for Joey's birthday later, chatting with this BearShare random guy na mema, at pagcheck ng myYB ko ...ilang beses na ring sumilay yung luha sa mata ko. Di naman matuloy tuloy sa pagbagsak)

Sa buong buwan ng Marso, lalo na nung ikalawang hati, (Pu*yeta lalim!) napansin ko lang na walang nangyaring maganda. Mula nung umalis si Regz, malipat ako kay Sup Dave, work-wise, wala. FAIL. Although okay naman at some point, the thing is, the motivation? Wala. Nada. Zero. Wala pa ata akong ipinasok sa ngayong buwan office na positive ang outlook ko.

Lalo pa nitong namatay yung kapatid ko. Although masasabi ko nga naman na wala namang epekto, I dunno but of course there's a part of me na parang nahatak niya. Siguro nga hindi visible or hindi ko pa din ramdam yung dalamhati kasi nga highschool ko pa siya huling nakita, bago pa sila umuwi sa Iloilo, siguro nga din dahil hindi ko siya as in 100% kapatid pero wala namang kaso 'yun. Itinuring ko siyang buo, kaya dapat iba ang maramdaman ko. Hindi 'to normal, alam ko. I'm holding back? Maybe. Kasi di pwedeng maging marupok ganitong andami kong iniisip na problema.

At the back of my mind, dapat nga lalo ako malungkot diba, kasi ilang taon kaming nagkahiwalay. Ni hindi kami umuwi man lang nung mamatay din ang mama niya nung isang taon, and knowing na may bukol siya sa bituka (which good thing eh gumaling, kaso lumipat na yung cancer or something) ni hindi namin napag-pilitang sunduin yung bata kahit ayaw ng lola niya? Nanghihinayang talaga ako, naging pabaya din kami at some point. Pero wala nga din naman kaming magagawa kasi hindi pwede. Kumplikado nga talaga kasi ang pamilya naming nagkakasanga pa ng pamilya. Haaay...

(Nakaiyak na ko sa wakas, kulang pa.)

Ngayon, pano kung yung kambal niya eh magkaganun din? (knock on wood), kikilos na kaya sila?

F*ck f*ck f*ck.

Ngayon, ang sabi ko kelangan ko lumipat kasi nagkukulang na sa panggastos. Gusto ko kasi marami nga namang malilipatan na mas mataas ang kikitain ko... or naming mga nagbabalak sa opisina. Pero at some point mahirap, kaya ayaw ko.

Ayaw ko kasi panibagong training. Ayaw ko kasi hindi pa pwede, wala akong ipon na pwede kong magamit habang wala pa kong sweldo kung lilipat man ako. At pano kung di ako pumasa? (Na medyo imposible kung CSR lang naman kukunin ko), at lalong ayokong umalis kasi mas lalong malulungkot ako kung maiiwan ko sila.

Masaya naman sa opisina eh, kahit minsan nakakaasar lang yung pinaggagagawa nila 'indirectly', hands down talaga ako sa bait at saya kasama ng mga katrabaho ko.

Ngayon, ayaw ko ba talaga umalis dahil sa mga yan... o naduduwag lang ako?

Duwag magsimula ulit? Duwag mang-iwan? Duwag pumutol ng namumuong kung anuman?

Siguro nga, kahit yung utak ko duwag din wag muna mag-isip. 

"Pinapaniwala ko nalang ang sistema ko na kaya ko pa ...kahit yun pala hindi na."

Binalak ko nang mag-resign na lang na immediate pero hanggang 20% lang yung pag-buffer ng utak ko. Burnout? Baka. Pero hindi dahil sa sawa na ko mag-calls, or sawa na ko sa daily routine. Nagkataon lang siguro na andami ko ngang iniisip lately. Info overload, and emotional baggage.

Anhaba na ng post ko ni wala pa ata sa 20% yung na-discuss ko dito. Grabe talaga. 

Going back to my title, I just hope na pagpasok ng April eh okay na ang lahat, or at least makayanan ko nang lagpasan to.

Kung lilipat na ko sa kung saan mang kumpanya by May, so be it. Kung babalik na ko ng school sa pasukan, edi maganda. Kung palilipatin ko na ang dad ko dito sa'kin, that's perfect. Kung lilipat ng school ang kapatid ko, edi okay, at least makawala na siya sa mema niyang school, kaso nga lang anlayo, Commonwealth? Minsan may sapagka tanga nga! Kita nang kaya ko nga pinapalipat na yung papa ko dito sa Manila eh, para magkakasama kami, tae talaga!

Sana nga makalipat na kami sa mas matinong lugar. Although convenient talaga yung tinitirhan namin ngayon, madami-dami ang reklamo ko dito. Eh kaso nga masyado ako matiisin. Tsk tsk. Nakaka-asar maging masyadong mabait.

Kung magbago man siya, edi winner, at least magkakaron na ko ng inspirasyones! LOL


*** BREAKING NEWS ***

Lalo akong nanlulumo. Dine-deadma na ko ng best friend ko na huli ko pang nakita eh last year. Minsan na lang kami makapag kwentuhan. Natyempuhan ko siyang online at as usual, kwentuhan sa love life... at as usual, siya yung nagkwekwento. The sad thing is that, at some I became pissed. Para siyang caller na para na ding nagse-self talk. Which is, I can stand ...before. I duuno pero siguro kasi masyado na ko nag-mature, and I just feel like I don't have all the time in the world to listen to her endless childish soooo highschool rants. Nairita ako ng medyo. Medyo lang kasi nga best friend ko siya and I've known her for so lon for being like that. One thing that might've triggered this 'pissed' button of mine is that I've been thinking about more mature problems recently, and she know's that, then babanatan niya ko ng ganun? Though unintentional, quite lame lang kasi. I was not able to stand the fact that she's still exactly the same way she was, which is as we all know, it' fine, kaso diba, people should make themselves grow.

Haaay. I don't care kung magkagalit kami ulit, the thing is, I just want her to realize na hindi ako nagbulag-bulagan. 

*** ***










No comments: