Okay, to orient you just a lil' bit, i would be typing 'unfamiliar' words in this page in a matter of minutes... so brace yourself to read such kind of BAD WORDS.
+SOCIO+
Nang magsimula ang araw ko, okay sana.
Nakakain ako ng mabuti, nagtetext pa si JE. Masayang masaya, may kalandiang taglay pa nga.
Nagbago ang takbo ng mood ko nung simulan ko na yung pesteng socio assignment na iyan. Nawala yung ginawa ko sa lib., na akala ko eh sasalba na ng oras ko. Almost 30 mins. na lang kasi at dapat na kong pumasok sa room, syempre may klase pa naman ako.
Ayun, sinimulan ko na, tangina talaga hirap pala hanapin. Wikipedia lang ang madaming 'relevant' na info, takte male-late ako!
Ayun, di ko pa din natapos as in nang maganda yung gawa ko. Kung tutuusin pwede na, pero para sa'kin -puta- mema lang yun. Di ko naayos yung mga info, pero kung tutuusin, andun na yung mga sagot. Di nga lang 'readable' yung gawa ko, in the sense na yung mga specific na tanong ni sir eh nasagot naman... hahanapin mu nga lang.. pakalat-kalat kumbaga.
+++naging okay naman na ko pagkapasok sa room. Well, ofcourse not in an instant pero, unti-unti na kong nakangiti. Nakikipag-asaran na kay Dun-Dan. Lalo pa nung makuha ko na yung test booklet ko. 97% lang naman. I really worked hard for that syempre, so i smiled nang bonggang-bongga.
+INDUCTION PRACTICE+
Aside from the fact na medyo nairita ako kay Kuya Paul dahil maya-maya siya kung bumanggit ng 'pipay', wala naman na. But i do understand na kaya siya ganun kasi secretary ako. Para na din yung kanang kamay diba...
+++Okay sana ang lahat kaso nakita ko nanaman si Kuya B. Nyahahaha, wala lang, bitter nang 3%, hahaha... pero okay na ko dun, mejo nag-iinarte nalang
(SA PART NA TO HINDI LEWD -SLASH- OBSCENE AH?! IN FAIRNESS!!! nyahaha)
+BALIK 330+
Ayun, lumapit si JE, mema lang, haha.. But the thing is, parang... ano... may nararamdaman akong gusto niyang sabihin na di niya masabi? Aba, opinyon ko lang yun. Tanggala kasi, napaka opinionated kong tao. Though i know its not in a harsh way of expressing my thoughts, sometimes i just wish na manhid nalang ako. Masyado na ata ako madaming napapansin.
+++Ayun, okay na sana, mejo nag-expect lang siguro ako.
___________________________________________________________
SINGIT KO LANG
_nakalimutan ko kasi, nung sa JPL, nakita ko ang senti, ang lumalabas na chief photog eh si kuya jhai. walang masama dun, aminado ako na mas active siya sakin last sem. Andun din yung isa pang photog. na ewan ko ba pero parang may something talaga...
___________________________________________________________
tuloy ang balitaktakan!!! random thoughts na...
+nang magtungo kami sa canteen, ayun, gutom syempre... at namalayan ko nalang na mula sa nakangiting ako eh nagshift ng course ang mood ko... " sungit -slash- maldita -slash- pretensious -slash- go with the flow" na ang nararamdaman ko. Eh bakit ganun?
I'd name some possible triggers...
-pagod
-gutom
-regrets
-disappointment
-earlier activities
-earlier moodswings
-another sense of 'hunger'
-daydreaming na nauwi sa wala
-mabigat yung bitbit ko (literal)
-ayoko pa umuwi, kasi maaga pa
-wala akong maisip na pwede kong pampalipas oras
-wala na akong makakasama kapag umalis na sina nx at dun
+I already finished reading 'Bata Bata, pa'no ka ginawa?' by Lualhati Bautista. Evrything's well writeen but I think I just didn't enjoyed some parts. well, let's just credit it to the fact thatI dont' like thinking about economic and political issues, and talking about such.
Here's some of my favorite excerpts:
Nagkakamali siya sa pagkilala sa mismong damdamin niya. Sino man ang nandon na mag-ambon sa kaniya ng pagtingin, akala niya'y umiibig na sa kaniya't iniibig na niya.. nangangapit na siya, at nangangapit nang mahigpit- tulad sa mga huling pagtatangkang makali gtas ng isang nalulunod!
"Habang lumalaki kayo, hindi ba dumadami ang mga tanong niyo sa isip? Wala, wala namang masamang tanong. Ang mayroon lang ay palaiwas at sinungaling na mga sagot..."
"hindi naagaw ng iba ang tao dahil ang tao'y di pag-aari ng iba. Kaya binigyan ang bawat tao ng sariling isip ay para magkaron siya ng sarili niyang pagpapasiya..."
-Lea
+back to lewdness
well, maglalabas lang ako ng hinanakit. Nang magtungo ako sa opisina, ang purpose ko sana eh tumambay, maipakita na nagtatagal din naman ako dun -pag may time nga lang- which is i think di nila maisip na magkaiba kasi kami ng mundong ginagalawan. Ako, nakasentro ako sa A-201 (or better yet, orig 102 family) eh sila, ang buhay nila kadalasan umiikot sa sentinel at sa mga taong bahagi ng organisasyong iyon. Most often than not, sila yung tipo ng mga taong 'nagrerevolve ang buhay sa paulit-ulit na tagpo at sulok ng mundo'
Nang maupo ako, di ko alam kung bakit di ko man lang pinansin yung new staffer na andun sa kabilang table, na kung tutuusin ay unsuual sa pagkatao ko. Ako yung tipo na hindi nahihiyang makipagkaibigan at makipagkilala, diba? Sabagay, siguro nga, pagpasojk ko palang ng pinto eh, hindi naman talaga ako yung umapak, kundi isang lutang na nilalang.
Nagtext ako ng kaunti, at nabasa ko na nga ang sana'y di ko nalang binasa, or better yet, dinibdib.
Sana pala umuwi nalang ako ng maaga, o kaya tumambay sa lib., o kaya nagbasa sa lib. Kung tutuusin wala namang deperensya kung dun ko na tinapos yung nobela ni Bautista.
Eh ang kaso, tapos na, wala na kong magagawa. Nasaktan na ko, nainis, naloka nang bonggang-bongga. Napapamura ko sa umpisa, pero as usual, di naman nagtagal. Kasi hindi naman ako ganun talaga. Mabilis mag-expire ang mood ko. Mabilis ako magpatawad, at mas lalong mabilis ako makalimot. Well, maybe not in all cases, but it'll range 1/10 na negative ang pakikitungo ko sa tao or pakikibaka ko sa buhay.
wala na akong gana malungkot at magmura. wala na yung damdaming kanina ko pa gustong ibuhos sa blog na to, naglaho na parng bula.
AT DAHIL YON SA KANIYA.
No comments:
Post a Comment